Friday, July 16, 2010

AT LONG LAST

sa wakAs natapos na rin ako sa radio internship. after almost 2 weeks of not having mu lunch and dinner finally natapos ko na rin ang 50 hours of work ko sa DZUP. ang swerte nga eh kasi hindi pa masyadong ayos ang mga patakaran that time kaya medyo naging mabilis for me ang pagtapos ng required hours.

at syempre bilang tapos na ang radio internship ko formally ko ng inoopen ang door ko para sa TV internship. ang kao nga lang sa dinami dami ng mga pinag-applyan ko wala pa rin ni isang sumasagot. kaya i have no choice kundi kumpletuhin ang mga requirements ng GMA na kaisa isang positive and response sa akin bilang isang intern. ayaw ko kasi sana sa GMA kasi mas gusto ko sa mga mas maliit na companies kasi feeling ko mas okay ang training na maibibigay nila sa akin.

Friday(July 9) ang supposedly orientation ko sa GMA since nakumpleto ko naman na ang mga requirements na sinend sa akin ng HR head na si Ma'am Marose. pero Thursday (July 8) habang nagpapadentista ako biglang may tumawag sa phone ko na taga ideal minds daw. so torn ako kung ano ang dapat kong piliin. ideal minds kasi talaga ang pinakahihintay ko sa lahat kasi ang ganda ng feedback ng mga tao sa company na yan. kaso nakakahiya naman kung icancel ko yung slot ko sa GMA at nakakatakot kasi hindi pa naman ako sure na tanggap sa Ideal Minds kasi may interview pa raw. and so ang ginawa ko is umattend pa rin ako ng orientation ng GMA. binalak ko pa nga na pagsabayin ang internship ko sa companies na yan kaso ang sabi ng GMA hindi raw pwede kasi baka hindi raw kayanin. may naging experience daw kasi sila date na nag intern sa kanila na may work, amy acads, may thesis at may 2 companies na pinag iinternshipan. ang nangayari daw don sa estudyante is nakakatulog na sa GMA, sa front desk pa naman din nakaassign. pero sa case ko, wala akong pakelam kahit ipagbawal nila. kasi alam ko naman na kaya kong hatiin ang oras ko sa dalawang companies at hindi naman din required na magreport ako sa GMA araw araw so hindi nila mamomonitor kung bakit hindi ako nakapasok sa ilang mga free days ko.

Ideal Minds scheduled Chamy, rob and me for an interview the following Monday. pero wala naman pala talagang interview. tanggap na pala talaga kami. so ibig sabihin tama ang hinala ko kasi pagtawag ng representative ng Ideal minds sa akin, nadulas siya at sinabi na "o start na kayo sa monday." aba syempre nagpaganda kami nang bongga para sa interview, pero wala namang naganap na interview. hahaha. inorient na kami agad and told us na we can start kahit kailan namin gusto. napatapat ako sa Pm ng Go Negosyo na pinoproduce nila for QTV 11. so after telling us the things at trainings na ibibigay nila sa akin, i decided na igive up ang post ko sa GMA. kasi alam ko na sa Ideal Minds ako magiging masaya...

MORE ABOUT MY TV INTERNSHIP, SOON. :)

No comments:

Post a Comment